Higit P370,000 halaga ng hinihinalang shabu, nakuha sa Pampanga

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 01:19 AM

Higit P370,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa anti illegal-drug bust operation sa Barangay Pandan, Angeles City, Pampanga ngayong Lunes.

Ayon kay Police Col. Rommel Batangan, nahuli sa pinagsamang operasyon ng Angeles City Drug Enforcement Unit at ng Angeles City Police Station 3 sina alyas Silver, 46, fish vendor; alyas Jay, 27, pintor; at alyas Aga, 35, laborer.

Nakuha sa kanila ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na halos P374,000 ang street value.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang 3 suspek. — Ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.