PatrolPH

Bayan ng Bugallon sa Pangasinan, inulan ng yelo

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 08:22 PM

BUGALLON - Inuland diumano ng yelo nitong Lunes ang bayan ng Bugallon sa Pangasinan, ilang minuto matapos bumuhos ang malakas na ulan. 

Bandang alas-5 daw naranasan ang hailstorm sa lugar.

Video courtesy of Jay Nadado

Ayon sa uploader ng video na si Jay Nadado, mas malaki pa sa butil ng mais ang mga yelo mula sa ulan. 

Paliwanag naman ng senior weather specialist ng Agno Flood Forecasting and Warning Center na si Engr. Greg de Vera, nararanasan ang pag-ulan ng yelo o hailstorm kapag may thunderstorm.

Maaari daw tumagal ng 1 o 2 oras ang pag-ulan ng yelo, ani de Vera.

Noong Sabado naman, naitala ang pinakamataas na heat index sa bansa sa kalapit na bayan ng Dagupan sa Pangasinan, matapos ito pumalo sa 51 degrees Celsius. 

- Ulat ni Elaine Fulgencio-Español

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.