PatrolPH

Bangka tinamaan ng kidlat sa Capiz; 3 mangingisda na-ospital

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 11:53 AM

Bangka tinamaan ng kidlat sa Capiz; 3 mangingisda na-ospital 1
Nasira ang bangka na lulan ang apat na mangingisda sa Roxas City matapos tamaan ito ng kidlat. Photos: CDRRMO Roxas City

ROXAS CITY - Tatlong mangingisda ang naospital matapos tamaan ng kidlat ang kanilang bangka sa karagatan na sakop ng Roxas City, gabi ng Lunes. 

Ayon sa ulat ng disaster office ng Roxas City, natamaan ng kidlat ang bangka na may sakay na apat na mangingisda . 

Ayon sa isa sa mangingisda na si Jeric Amangca, paglingon niya ay nakita niyang sumusuka na ng dugo ang isa niyang kasama, habang nawalan ng malay ang isa pa nilang kasamahan at ang kapitan ng barko matapos kumidlat. 

Kaagad na bumalik sa pampang si Amangca at humingi ng tulong para madala sa ospital ang 3 kasamahan.

Nasa mabuting kalagayan na ang tatlong mangisngisda, na ginagamot pa rin hanggang ngayon sa ospital. 

-- Ulat ni Rolen Escaniel 

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.