Bahagi ng Commonwealth Elementary School nasunog

ABS-CBN News

Posted at May 11 2021 06:54 AM | Updated as of May 11 2021 07:04 AM

Watch more in iWantTFC

Nagliyab ang isang silid sa ika-3 palapag ng gusali ng Commonwealth Elementary School sa Quezon City Martes.

Ayon sa gwardiya, nagulat na lang siya na nakita niyang may apoy na sa lugar. Nadamay pati silid sa ika-apat na palapag.

Pasado alas-2 ng madaling araw nang itaas ito sa first alarm. Naapula ito pasado alas-2:30 kaninang madaling araw. 

May ginagawa at kinukumpuni sa bahaging nasunog.

Maswerte namang walang tao doon kaya walang nasaktan.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog. — Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.