PatrolPH

Chinese timbog sa paglabag sa quarantine rules sa Caloocan

ABS-CBN News

Posted at May 11 2020 03:49 PM | Updated as of May 11 2020 06:26 PM

Watch more on iWantTFC

Arestado ang isang Chinese national sa Caloocan City matapos umano niyang hamunin ng suntukan ang mga tanod na sumita sa kaniya dahil sa paglabag sa mga patakaran ng enhanced community quarantine.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang suspek bilang si Ken Li Go, 44 anyos at residente ng Barangay 67, Caloocan.

Nakuhanan ng video si Go na nakikipagtalo noong Sabado sa mga taga-barangay.

Ayon kay Ruel dela Peña, ang nakasagutan ng suspek, nagsimula ang argumento matapos hindi nila payagang makadaan sa checkpoint ang Chinese dahil hindi tugma ang quarantine pass na dala nito.

Dahil sa panggugulo, inaresto ng mga taga-barangay ang suspek.

Kinasuhan ng paglabag sa mga alituntunin ng enhanced community quarantine, unjust vexation, at disobedience to a person in authority ang suspek. -- Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.