PatrolPH

2 lalaki nagsagupaan sa kalsada sa Capiz; mga usisero nagpustahan pa

ABS-CBN News

Posted at May 11 2020 06:55 PM

Watch more on iWantTFC

ROXAS CITY, Capiz — Nagsuntukan ang dalawang lalaki sa lungsod na ito sa gitna ng umiiral na general community quarantine kontra pagkalat ng COVID-19.

Imbes na sabong, pinagpiyestahan ang suntukan ng dalawang lalaki sa Barangay Lanot noong isang linggo.
    
Umaatikabo ang bakbakan nila na di malaman ang pinagmulan.
    
Ayon sa mga awtoridad, maraming nilabag na ordinansa at patakaran ng community quarantine ang dalawang nagsuntukan. Damay na rin ang mga usisero.

Pinagpustahan pa kasi umano ng mga taong nanood doon ang away ng dalawang lalaki.

"We are intending to file necessary complaint and appropriate action for violation of our physical distancing at no wearing of face mask na ordinansa," sabi ni Roxas City Mayor Ronnie Dadivas.

Pinuntahan ng mga pulis ang lugar pero wala na doon ang mga lalaki, na di umano kilala ng mga residente.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at tuloy din ang pagtunton sa mga dawit sa insidente.


—Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN New

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.