Inaresto ang 11 tao dahil sa pagsasabong at pagsusugal sa tatlong bayan sa Negros Occidental nitong Linggo.
Sa Sitio Binig, Banragay 1, Himamaylan City, 4 ang inaresto dahil sa pagsasabong na ipinagbabawal din base sa guidelines ng General Community Quarantine.
Nakuha ng mga pulis ang anim na pansabong na manok.
Sa Hacienda Mabigo naman, sa Brgy. E. Lopez, sa Silay City, 3 ang inaresto dahil din sa pagsasabong.
Sasampahan sila ng kasong paglabag sa Presidential Decree 449 o ang Cockfighting Law. Samantala, sa bayan naman ng Manapla, 3 ang dinakip dahil sa paglalaro ng tong-its.
Bukod sa pagsusugal, lumabag din sila sa GCQ guidelines.
Kasalukuyang nakadetine sa mga police station ang 11 inaresto.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Negros Occidental, pagsasabong, pagsusugal, general community quarantine, community quarantine, Tagalog news