Lalaking sangkot umano sa gun-for-hire group arestado sa Samar

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 11 2019 02:24 PM

Hinihinalang sangkot sa gun-for-hire group si Deorico Torres. Larawan mula sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group-Samar


GANDARA, Samar – Arestado ang isang lalaking hinihinalang kasapi ng isang gun-for-hire group dahil sa pagbebenta ng baril, Biyernes ng madaling araw dito sa bayan.

Ayon sa impormasyon mula kay Police Maj. Norman Ala, hepe ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Samar, nangyari ang operasyon sa Barangay Hiparayan sa nasabing bayan.

Sa bisa ng search warrant, naaresto ang lalaking nakilalang si Deorico Torres. Nakuha sa kaniya ang isang kalibre .45 na baril kasama ang dalawang magazine at mga bala, at isang hand grenade.

Nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at paglabag umano sa election gun ban ang suspek.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.