Selda sa Imus, may aircon

Ulat at mga retrato ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 05:45 PM | Updated as of May 12 2017 12:00 AM

Inilipat na sa bagong kulungang may air conditioner ang mga babaeng preso ng Imus Detention Facility sa Cavite.

Ginawang female custodial center ng Imus police ang ikalawang palapag ng kanilang tanggapan na dati’y conference room ng mga pulis.

Sa tindi raw kasi ng init ngayon, maraming inmates na ang nagka-pigsa at an-an. Dagdag pahirap pa sa inmates ang siksikan sa Imus Detention Facility na may kapasidad lang sana para sa 25, pero lagpas 100 na ang preso.

Pang-apat ang nasabing kulungan sa pinakasiksikang bilangguan sa bansa. 

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Imus, napilitan silang kumilos lalo't ilang preso na nila ang namatay.

Sa ngayon, mahigit 20 ang naka-detain sa bagong detention facility para sa mga babae.

Paglilinaw ni Supt. Norman Rañon, hepe ng Imus police, walang kinalaman ang pag-convert ng kanilang conference room sa nadiskubreng secret jail sa Manila Police District Station 1 dahil matagal nang nakaplano ang pagdadagdag nila ng kulungan.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.