Patay na sanggol, natagpuan sa abandonadong banyo

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 07:58 PM

ABUYOG, Leyte- Natagpuang patay ang isang sanggol sa isang abandonadong banyo sa barangay Balocawe noong Martes.

Ayon sa impormasyon mula sa Leyte Police Provincial Office, ilang residente ang nakakita sa nasabing patay na sanggol Martes ng umaga at agad itong isunumbong sa mga awtoridad.

Ayon sa mga awtoridad, tinatayang 2 araw pa lamang mula ng isinilang ang sanggol na babae.

Inilibing na ang sanggol ngunit inaalam pa rin ng mga awtoridad kung sino ang naglagay sa bangkay nito sa abandonadong banyo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.