Nahakot na basura sa MM, umabot na sa 757 trucks

Zhander Cayabyab, DZMM

Posted at May 11 2017 11:23 AM

Umabot sa kabuuang 757 truck ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authroity (MMDA) sa mga estero at canal sa Metro Manila sa loob lamang ng dalawang buwan.

Sa record ng Flood Control and Sewerage Management Office ng MMDA, mula Marso 1 hanggang Mayo 6, nakakolekta na ng 5,250 cubic meters ng basura at burak mula sa mga iba't-ibang estero at open canal sa Maynila, Makati, Pasay, Malabon at Navotas.

Kung pagsasama-samahin, kaya nitong punuin ang dalawa't kalahating Olympic-size na swimming pool.

Ayon sa MMDA, ginagawa na nila ang paglilinis sa mga estero bago ang magtag-ulan upang mabawasan ang pag baha sa Metro Manila.

Kasabay nito, muli na namang nagpaalala ang MMDA sa mga residente sa flood control areas na maghanda bago ang tag-ulan.

Ibinahagi naman ng MMDA ang mga lugar na dapat na iwasan ng motorist kapag malakas ang pag-ulan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.