'Downline' ng drug supplier sa CDO, kalaboso

Greanne Mendoza, ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 12:22 PM

CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang isang 47-anyos na babae matapos ang matagumpay na buy bust operation Miyerkules ng gabi.

Ayon sa pulisya, si Saphia Ampuan ay 'downline' ng isang Nova Isa, isang major drug supplier sa lungsod.

Nahuli si Isa nitong nakaraang buwan ng operatiba ng Police Station 1 Divisoria.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang iba pang 'downlines' o mga taong na-recruit ni Isa.

Samantala, tumanggi namang magkomento si Ampuan hinggil sa umano’y papel nya sa illegal drug trade.

Nakumpiska rin ang P30,000 halaga ng hinihinalang shabu mula kay Ampuan na nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.