Akyat-bahay nahulog, arestado sa QC

ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 10:00 AM

MAYNILA - Arestado ang isang umano'y akyat-bahay matapos itong mahulog mula sa bubong ng inaakyat nitong bahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Sa bidyo na kuha ng isang kawani ng barangay, kitang nakadapa sa compound ng bahay ang suspek na kinilalang si Climaco Ranola.

Nang makumpirmang sangkot siya sa akyat-bahay, tinalian agad ng mga rumespondeng guwardiya at tanod ang kamay ng suspek.

Ayon kay Supt. Danilo Mendoza ng Quezon City Police Station 3, nakuha pa sa suspek ang ilang screwdriver at cellphone.

Todo-tanggi naman ang suspek sa mga akusasyon sa kanya.