3 patay sa anti-drug ops sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 12:05 PM

MANILA - Tatlo ang patay matapos mauwi sa sagupaan ang isang anti-illegal drugs operation sa Datu Paglas, Maguindanao.

Sa panayam ng DZMM Radyo Patrol, sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion, na target ng operasyon ang 15 tauhan ng isang Abdulatip Pendaliday alyas "Grass Cutter."

Nagsilbi aniyang support group ang 33rd Infantry Battalion sa mga pulis na nagkasa ng operasyon, alas -5:30 ng madaling-araw.

Tumagal ng 1 oras ang sagupaan na nagresulta sa pagkasawi ng mga drug suspect na sina Samir Pendaliday, Nastudin Saligan, at Rakim Pendaliday.

Nasamsam sa lugar ang 3 M-16 rifles, 4 grenade launchers at P170,000 halaga ng hinihinalang shabu.

-- Ulat ni Henry Atuelan, DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.