MAYNILA — Niratipikahan na ng mga ASEAN Navy chiefs ang panuntunan na susundin nila para sa maritime interactions sa mga karagatang kinabibilangan ng mga bansang miyembro ng samahan.
Sabi ni Philippine Navy Flag officer-in-command Toribio Adaci, Jr., ito na ang magsisilbing protocol sa karagatan ng mga bansa sa ASEAN para sa kaligtasan, direktang komunikasyon, at pagbibigay tulong sa mga masisiraang barko
"The ratification was done by present membership of ASEAN. This is different from COC (code of conduct). The protocols here are very basic procedures to be observed for safety security and communication among ASEAN navy," ani Adaci.
Sabi pa ni Adaci, wala silang nakikitang problema sa implementasyon nito dahil ang mga nilalaman ng panuntunan ay karaniwan na ring ginagawa ng mga taga-ASEAN.
Makakatulong din anya ito sa mga transnational crime sa karagatan gaya ng pamimirata.
Paglilinaw pa ni Adaci, hindi ito ginawa ng ASEAN navies bilang pantapat sa China.
Sa pulong din ng mga ASEAN Navy chiefs, inilatag na nila ang roadmap para sa mga susunod na taon.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.