PatrolPH

Re-electionist mayor Legacion, wagi sa Naga

ABS-CBN News

Posted at May 10 2022 04:52 PM

MANILA -- Wagi ang grupo ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa Halalan 2022. 

Iprinoklama si Legacion at re-electionist Vice Mayor Cecilia de Asis 2:30 ng hapon Martes. ngayong hapon.

Nakuha ni Legacion ang 41,606 na boto, malayo sa sumusunod na kandidatong si Tato Mendoza na nakakuha ng 11,482. Pumangatlo naman si Atty. John Bongat na nakakuha ng 16,858 na boto.

Si Bongat at Legacion ay dating magkaalyado. Si Legacion ang bise alkalde ni Bongat noong nakaupo ito bilang alkalde ng lungsod.

Si Legacion ay miyembro ng Liberal Party. 

Sa kasalukuyan, nangunguna si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo sa nasabing lungsod. Nakuha niya ang 87,940 boto ng mga taga-Naga. Si Senador Kiko Pangilinan din ang nangunguna sa pagka-bise presidente sa lungsod. Meron siyang 79, 463 na mga boto. 

Para sa updated na resulta ng halalan, maaaring bumisita sa page na ito. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.