'Hindi ito pagkatalo:’ Robredo handa sa ‘mas malaking laban’

ABS-CBN News

Posted at May 10 2022 10:02 PM | Updated as of May 10 2022 10:52 PM

Vice President Leni Robredo gives a post-election statement from her home in Magarao, Camarines Norte in the early hours of  May 10, 2022 while her daughters, Aika, Tricia, and Jillian, watch from the sidelines. VP Leni Media Bureau handout
Vice President Leni Robredo gives a post-election statement from her home in Magarao, Camarines Norte in the early hours of May 10, 2022 while her daughters, Aika, Tricia, and Jillian, watch from the sidelines. VP Leni Media Bureau handout

Hindi natatapos ang laban sa pagkatalo sa halalan, ayon kay Vice President Leni Robredo nitong Martes, habang patuloy na lumalawak ang lamang ng kaniyang katunggali sa pagkapangulo na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. 

Matapos ang isang misa sa Metropolitan Cathedral sa Naga City, hinimok ni Robredo ang kaniyang mga taga-suporta na huwag bumitiw sa ipinaglalaban na maayos na pamamahala. 

“Dai ko siya pigkonsidera na kadaguan dahil kadakul kitang na-achieve ngunyan election na ini.” ani Robredo sa Bicol.

(Hindi ko siya kinoconsider na pagkatalo dahil marami tayong na-achieve ngayong election na ito.)

“Igwang mas dakulang laban,” dagdag pa ng bise presidente.

(Mayroong mas malaking laban.)

Dagdag ni Robredo, ang mahalaga ay nagising ang mga damdamin para sa paghahanap ng maayos na gobyerno para sa ikabubuti ng bansa. 

Nagpasalamat din ang bise presidente sa Simbahang Katolika sa naging malaking bahagi nito hindi lamang sa kampanya kundi para sa krusada para sa katotohanan. 

Binigyang pugay din ni Robredo ang kaniyang mga taga-suporta na aniya ay nagbibigay ng lakas ng loob na kakailanganin niya para sa mga susunod na araw. 

“Mati ming maray ang saindong pagpadangat at suporta. ‘Yan ang nagtatao sa muya ng kakusugan ng boot sa mga susunod na aldaw,” ani Robredo.

(Ramdam na ramdam namin ang inyong pagmamahal at suporta. Yan ang nagbibigay sa amin ng lakas ng loob para sa mga susunod na araw.)

Watch more News on iWantTFC