Albee Benitez, wagi bilang mayor ng Bacolod

ABS-CBN News

Posted at May 10 2022 04:06 PM

Albee Benitez Facebook page
Albee Benitez Facebook page

MANILA -- Iprinoklama Martes ng umaga bilang bagong mayor ng Bacolod City ang negosyante at dating mambabatas na si Albee Benitez. 

Nakakuha si Benitez ng 171,893 votes, at 107,447 naman ang nakuha ng nakaupong mayor na si Evelio Leonardia. Lamang si Benitez ng 64,446 na boto.

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/05/10/halalan.png

Pero nakalusot bilang vice-mayor ang ka-tandem ni Leonardia na si El Cid Familiaran na nakakuha ng 128,893 votes.

Ang vice-mayoral candidate ni Benitez na si Caesar Distrito ay mayroong 103,236 votes.

Apat sa mga tumakbong konsehal sa ilalim ng Grupo Progreso ni Leonardia ang nanalo, habang walo naman galing sa Grupo Asenso ni Benitez.

Panalo rin si reelectionist Congressman Greg Gasataya na dati at matagal nang kaalyado ni Leonardia bago sumanib sa grupo ni Benitez.

--ulat ni Angelo Angolo

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC