PatrolPH

Barangay chairman patay sa pamamaril sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at May 10 2021 09:17 PM

Patay ang isang barangay chairman matapos siyang barilin sa harap ng isang fast food chain sa lungsod ng Isabela, Basilan nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Jamiron Ajijon, chairman ng Barangay Marang sa bayan ng Sumisip.

Ayon sa imbestigasyon, binaril ng salarin ang suspek sa ulo habang naglalakad ito sa harapan ng isang fastfood chain.

Noong Enero 28, inaresto si Ajijon ng mga awtoridad sa bisa ng isang warrant of arrest sa kasong pagpatay sa loob mismo ng barangay hall. Kasama niyang na-aresto ang 3 pang mga lalaki.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang motibo at pagkakakilanlan ng salarin na bumaril sa opisyal.

-- Ulat ni Leizel Lacastesantos 

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.