PatrolPH

Babae huli, P600-K halaga ng 'shabu' nasamsam sa Davao drug bust

ABS-CBN News

Posted at May 10 2021 08:20 PM | Updated as of May 10 2021 08:58 PM

Babae huli, P600-K halaga ng 'shabu' nasamsam sa Davao drug bust 1
Arestado ang isang babae noong Mayo 9, 2021 sa buy-bust operation sa Davao City. Retrato mula sa Toril police

Arestado nitong Linggo ang isang babae sa Barangay Mintal, Davao City matapos makuhanan ng nasa P600,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation.

Kinilala ang suspek bilang si alyas "Lab-lab," 34 anyos.

Hinuli ang suspek matapos umano niyang bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha ang ilan pang sachet ng umano'y shabu sa suspek, na nagkakahalagang P613,920.

Kakasuhan ang suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

- Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.