PatrolPH

Cake shops, restaurants pinilahan ngayong Mother's Day kahit may lockdown

ABS-CBN News

Posted at May 10 2020 04:11 PM | Updated as of May 10 2020 06:53 PM

Watch more News on iWantTFC

Sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, nagtungo pa rin ngayong Linggo ang ilang residente ng Quezon City sa mga cake shops at restoran para bumili ng pagkain upang ipagdiwang ang Mother's Day.

Sa may Tomas Morato, pinilahan ng mga tao ang isang cake shop at isang donut shop.

Ilang saskayan din ang nakitang pumila sa mga restoran at fast food chain na nag-alok ng take-out na pagkain.

Kapansin-pansin din ang mga delivery service sa mga food establishment.

Pinilahan din ng mga motorista ang mga restoran at cake shop sa may C-5 Road malapit sa may Eastwood.

Mula nang isailalim sa ECQ ang Metro Manila noong Marso, take-out at online delivery na lamang ang pinapayagan sa mga restoran at iba pang establisimyentong nagbebenta ng pagkain para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease. -- May ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.