Mahigit 200,000 guro, magsisilbing Board of Election Inspectors sa halalan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 10 2019 12:22 AM

MAYNILA - Aabot sa 257,304 na mga guro ang magsisilbing mga miyembro ng Board of Election Inspectors sa darating na halalan ngayong Lunes.

Ayon sa Department of Education, ipupwesto sila sa mahigit 36,000 polling precincts.

Makakatanggap ng honoraria mula P1,000 hanggang P6,000 ang mga guro depende sa kanilang posisyon. Mayroong magsisilbing chairperson, member at support staff ng BEI.

Makikilahok din ang DepEd sa Comelec Advisory Council sa eleksyon at nakipag-ugnayan na sa AFP, PNP, iba pang concerned agencies at non-government organizations (NGO). 

Sa kabuuan, aabot sa 531, 307 ang mga opisyal ng DepEd, guro at iba pang personnel na ide-deploy para sa eleksyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.