Bakal mula sa Estrella-Pantaleon Bridge, gagawing tulay sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at May 10 2019 04:16 AM

Bakal mula sa Estrella-Pantaleon Bridge, gagawing tulay sa Pangasinan 1
Noriel Padiernos, ABS-CBN News

PANGASINAN - Dumating na sa Pangasinan nitong Huwebes ang mga bakal na mula sa binaklas na parte ng Estrella-Pantaleon Bridge.

Itinurnover ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga gagamiting bakal sa konstruksiyon ng tulay na magdudugtong sa bayan ng Bolinao at Santiago Island.

Ibiniyahe ang unang batch ng bakal gamit ang hauling truck. Request daw ito ng dating opisyal ng Department of Transportation (DOTr).

"Ito ay para sa mga tao, walang politika dito," ani MMDA chairman Danilo Lim.

Pero dahil wala raw opisyal na komunikasyon ang MMDA sa Bolinao LGU, sa Alaminos City muna pansamantalang dinala ang mga bakal.

Malaking bagay para sa mga residente ng Santiago Island ang gagawing tulay. Para makapunta sa bayan at maitawid ang kanilang mga produkto, nagbabayad sila ng P80 hanggang P300 para makasakay ng bangka.

"'Yung mga produkto namin, mas mabilis ilabas. T'saka 'pag bibiyahe kami pa-Manila, madali na," ani Mehemia Cando. - Ulat ni Noriel Padiernos, ABS-CBN News