TINGNAN: Planong road widening project ng DPWH sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at May 10 2018 09:42 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tuloy-tuloy pa rin ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ginagawa nitong clearing operations sa main road sa Boracay.

Karamihan ng mga estruktura sa gilid ng daan ang piniling mag-self-demolish upang bigyang-daan ang road widening project ng ahensiya.

Artist's perspective ng road widening project ng DPWH. DPWH

Ipinakita ng ground commander ng proyekto na si engineer Jose Al Fruto ang artist's perspective para sa 5.26 kilometrong road network sa Boracay. May lapad itong 12 metro, may bike lane, at sidewalk pa.

Maliban sa clearing ng kalsada, pinaplano na rin ng DPWH kasama ang mga electric cooperative at telcos ang paglipat ng mga posteng maaapektuhan ng road widening project. 

Kapag maayos na ito at matapos ang clearing, masisimulan na ang road widening.

Kasalukuyang nakasara ang Boracay ngayon sa mga turista para sa isinasagawang rehabilitasyon ng isla. 

--Ulat ni Joyce Ann Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.