Operation Baklas, ikinasa ng Comelec sa Mati

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at May 10 2018 09:33 AM

Isa-isang binaklas ng mga kawani ng Commission on Elections sa Mati City ang mga poster ng mga kandidatong wala sa designated common poster area. 

DAVAO CITY - Sabay-sabay na binaklas ng mga kawani ng Commission on Elections sa Mati City ang mga posters ng mga kandidato na wala sa designated common poster area sa Poblacion.

Ayon sa Comelec, nagbigay na sila ng babala sa mga kandidato sa barangay at Sangguniang Kabataan elections na istrikto nilang ipatutupad ang Fair Election Act para walang makalamang na kandidato sa pangangampanya.

Sinabi ni Sergio Manligoy, election officer ng Mati, maayos naman ang paraan sa pagbabaklas ng mga poster dahil ibabalik pa nila ito sa mga kandidatong lumalabag sa Fair Election Act.

Dagdag pa ni Manligoy, mas maraming kandidato ang lumabag sa batas noong nagdaang halalan sa barangay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.