TINGNAN: 2 bagong jets ng Philippine Air Force

Gracie Rutao, ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 03:26 PM

Pormal nang tinanggap ng Philippine Air Force (PAF) ang karagdagang dalawang fighter jets na mula South Korea.

Matapos na mabasbasan, pinangunahan ni Major General Arnold Mancita, ang commander ng Logistics Command ng Philippine Air Force, ang ceremonial pouring of champagne sa dalawang jets sa Haribon Hangar sa Clark Air Base sa Pampanga nitong Miyerkules.

Ang FA-50PH "Fighting Eagle" ay bahagi ng P18.9-bilyon 12-fleet acquisition ng administrasyong Aquino.

Ang mga jets na may tail number 009 at 010 ay magiging bahagi ng naunang walong aircraft na nasa PAF na.

Kasama din sa seremonya ang pag turnover ng aircraft documents.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.