Puerto Princesa, todo-bantay laban sa terorismo

ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 10:55 PM

PUERTO PRINCESA CITY- Inilatag ng Puerto Princesa Management (PPM) ang kanilang contingency plan bilang tugon sa inilabas na travel advisory ng US Embassy.

[LINK TRAVEL ADVISORY: https://news.abs-cbn.com/news/05/09/17/us-embassy-terrorists-planning-kidnapping-spree-in-palawan]

Ipinaghandaan ng PPM ang mga posibleng sitwasyon kung sakaling mangyari man ang pagpasok ng mga terorista sa siyudad.

Kasama sa plano ang pagbuo ng magiging command center at hotline na maaaring tawagan ng mga residente sakaling may nakita silang kahina-hinalang tao.

Iniutos sa mga resort owners ang paghingi ng mga ID sa mga guest at pagkuha ng kanilang mga impormasyon.

Dapat rin na maging mapagmatiyag sa mga dadaong na mga bangka at ang pagkakaroon ng karagdagang tropa ng militar at pulis na mag-iikot sa lugar.

"'Yung mga kapulisan, 'yung mga Marines kapag nakita ng mga bisita natin na visible sila, kahit saan ka lumingon makikita mo," paniguro ni Beth Maclang, Park Superintendent ng Underground River National Park.

Ayon sa PPM, fully-booked pa rin ang mga tour sa Puerto Princesa. --Ulat mula kay Diana Lat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.