P130-K halaga ng 'shabu’ nasabat mula sa 3 suspek

Greanne Mendoza, ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 01:29 PM

CAGAYAN DE ORO CITY – Tatlong lalaki ang inaresto ng awtoridad sa ikinasang buy bust operation kung saan tinatayang P130,000 halaga ng shabu at samu’t-saring paraphernalia din ang nakumpiska sa loob ng kanilang sasakyan Miyerkules ng umaga.

Nakilala ang mga naaresto na sina Ramil Ilago, Lito Adam, at Clyde Capinpuyan.

Dinala sa ospital si Capinpuyan matapos na magtamo ng tama ng bala sa braso nang manlaban sa awtoridad nang mahuli. 

Ilang malalaking pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nakuha mula sa van ng mga suspek.

Ayon sa awtoridad, gumagamit ng rented van ang mga suspek para mag deliver ng droga sa ilang lugar sa Bukidnon, Cagayan de Oro at Misamis Oriental.

Hinihinala din ng awtoridad na ginagamit bilang drug den ang naturang van.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.