NPA commander, arestado sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 09:30 PM

Inaresto noong Martes ang isang kumander ng New People's Army sa Agusan del Sur dahil sa kasong murder, attempted murder at frustrated murder.

Arestado si Ranny Gargar Undayon, 25, kahapon sa bisa ng warrant of arrest. 

"Base sa report na ipinadala rito ng Agusan del Sur Provincial Police Office, commanding officer siya sa Platoon 7, so may ranggo siya sa kanilang kilusan," ayon kay P/Supt. Martin Gamba, spokesperson ng Philippine National Police Caraga.

Sakop umano ni Undayon ang Prosperidad at San Francisco sa Agusan del Sur; Lianga at Barobo sa Surigao del Sur.
 
Noong 2014, humarap ito sa kasong paglabag sa Comelec gun ban at illegal possession of explosives and high-powered firearms.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Agusan Del Sur Provincial Police Office si Undayon.

--Ulat mula kay May Diez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.