Lolo pinaslang ng adik na anak

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 05:59 PM

ALBAY - Wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bascaran sa bayan ng Daraga, Albay ang isang 81 taong gulang na lalaki Martes.

Kinilala ang biktima na si Quintiniano Llovit. Ayon sa pulisya, mismong ang anak ni Llovit, na pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip, ang pumatay rito.

Base sa imbestigasyon, multiple head injury ang ikinamatay ni Llovit matapos itong pagpupukpukin sa ulo ng takip ng kaldero. Nawala rin ang kaliwang mata nito matapos tusukin ng tinidor ng suspek.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, matagal nang may problema sa pag-iisip ang suspek matapos malulong sa droga.

Kakasuhan ng parricide ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.