Lalaki, arestado sa panggagahasa sa 3 kapatid

Joey Yecyec, ABS-CBN News

Posted at May 10 2017 04:01 PM

MISAMIS ORIENTAL - Arestado ang isang 21 taong gulang na lalaki matapos itong akusahan ng panggagahasa sa 3 nakababatang kapatid na babae sa bayan ng Opol nitong Martes.

Base sa imbestigasyon, paulit ulit na inaabuso ni "Miguel" ang kanyang mga kapatid na babae tuwing wala ang kanilang mga magulang.

Ayon kay PO2 Catherine Hibaya ng Women and Children Protection Desk ng Opol Police, inireklamo si Miguel ng kanyang 11 taong gulang na kapatid.

Inamin ni Miguel na naimpluwensiyahan siya ng mga malalaswang panoorin. Dagdag pa niya na nasa impluwensiya siya ng alak tuwing inaabuso niya ang kanyang mga kapatid.

Kakasuhan si Miguel ng rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Sasailalim naman sa medical check-up ang mga biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.