Babae, natagpuang patay sa Sorsogon

Karla Thea Omelan, ABS-CBN News

Posted at May 11 2017 01:01 AM | Updated as of May 11 2017 06:06 AM

Natagpuan ang bangkay ng isang 21-anyos na babae sa masukal na bahagi ng Brgy. San Isidro noong Miyerkules ng hapon.

CASTILLA, SORSOGON - Natagpuan ang bangkay ng isang babae sa masukal na bahagi ng Brgy. San Isidro, Castilla, Sorsogon noong Miyerkules ng hapon.

Napag-alaman ng pulisya na ang babae ay 21 anyos at may asawa. Siya ay residente ng Brgy. Pangpang, Donsol, Sorsogon.

Hinihinalang ginahasa ang biktima dahil wala na itong saplot pang-ibaba nang madiskubre ngunit hihintayin pa rin ang resulta ng eksaminasyon dito. 

Umalis umano ito sa kanilang bahay noong Mayo 5 kasama ang isang dating miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU).

Natagpuan ang bangkay halos isang kilometro ang layo sa detachment ng CAFGU sa lugar.

Mismong si Sorsogon Mayor Joan Lorenzano ang pumunta sa lugar para tingnan kung saan nakuha ang bangkay ng babae.

Pinuntahan ni Sorsogon Mayor Joan Lorenzano ang lugar kung saan nakuha ang bangkay ng babae.
Mga natagpuang gamit ng biktima kung saan siya nadiskubre.

Nagpapatuloy hanggang ngayon ang imbestigasyon ng Philippine National Police.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.