Nasabat ng mga awtoridad ang higit P3.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa NAIA nitong Lunes, Mayo 8, 2023. Bureau of Customs

MAYNILA — Higit P3.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang naharang ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport nitong Lunes, ika-8 ng Mayo 2023.
Agad nagsagawa ng physical examination ang Customs examiners matapos lumabas sa X-ray na kahina-hinala ang laman ng bagahe, ayon sa Bureau of Customs.
Dito na nadiskubre ang 560 gramo ng hinihinalang shabu na nakatago sa loob ng eyelash sets, electric hair dryers, at electric hairbrushes.
Aabot umano sa P3,808,000 ang kabuuang halaga ng nasamsam na ilegal na droga.
Sumasailim na sa imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency ang shipper at consignee na posible umanong maharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 at RA 10863 o Customs Modernization Act.
Tiniyak naman Customs Commissioner Bienvenido Rubio ang patuloy na pagbabantay laban sa pagpasok sa bansa ng ilegal na droga.
"This successful interception is a testament to the effective joint enforcement of our Customs and inter-agency partners against drug trafficking to prevent the worldwide spread of illegal narcotics, especially in the Asia Pacific Region," aniya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.