PatrolPH

2 lalaki arestado matapos umanong tutukan ng baril ang isang tanod sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at May 09 2022 04:27 PM

Arestado ang 2 lalaki sa Leyte dahil sa umano'y panunutok ng baril sa isang tanod ngayong halalan. Larawan mula kay Gevic Epiz
Arestado ang 2 lalaki sa Leyte dahil sa umano'y panunutok ng baril sa isang tanod ngayong halalan. Larawan mula kay Gevic Epiz

Dalawang lalaki ang hinuli ng mga awtoridad sa Hilongos, Leyte sa araw mismo ng halalan, Lunes. 

Inaresto sila matapos na magsumbong sa pulisya ang isang barangay tanod dahil tinutukan umano siya ng baril ng 2 lalaki sa Barangay Utanan habang naka-duty sa barangay checkpoint.

Nakuha mula sa kanila ang 2 short pistol kasama ang mga magazine.

Nang mahuli ang mga suspek positibo itong kinilala ng biktima.

Hindi pinangalanan ng pulisya ang biktima para na rin sa seguridad nito at hindi pa kinikilala ang mga suspek dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Iniimbestigahan din kung may kinalaman sa eleksyon ang motibo sa insidente. 

Umiiral pa rin ang gun ban dahil sa eleksyon at magtatagal ito hanggang June 8, 2022.

I-bookmark ang ABS-CBN News Halalan results para sa partial unofficial tally ng election returns. 

Para naman sa iba pang updates, sundan ang live blog ng ABS-CBN News.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.