Lalaki patay nang saksakin ng kainuman sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at May 09 2021 01:24 PM

Patay ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng kainuman sa Sapian, Capiz nitong madaling araw ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Larry Olano, 44 taong gulang at nakatira sa Barangay Damayan.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at suspek hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at ilang beses sinaksak ang biktima.

Maaaring lasing lang ang suspek kaya nasaksak ang biktima dahil matalik na magkaibigan sila at wala namang dating alitan, sabi ng pulisya.

Sumuko naman sa mga pulis ang suspek, na ngayo'y nakakulong at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.