Duguang bangkay ng babae, natagpuan sa loob ng isang bahay sa Quezon City

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 09 2021 11:31 PM

MAYNILA - Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang bahay sa Sitio Militar, Barangay Bahay Toro, Quezon City Linggo.

Nasa apatnapung taong gulang ang babae na nangungupahan lang sa lugar.

Ayon sa mga residente, isang bata ang nagtungo sa bahay ng biktima upang singilin sana ito sa utang sa tindahan nang bumungad ang nakadapa at duguang bangkay.

Ayon naman kay Jose Yaquit, Barangay Public Safety Officer ng Barangay Bahay Toro, minsan nang nasabi ng biktima na may banta sa buhay nito ngunit walang makapagsabi kung sino ang maaaring nasa likod ng pamamaslang.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Quezon City police sa insidente.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.