Larawan mula sa Philippine Navy
MAYNILA (UPDATE) - Nagkaroon ng sunog sa BRP Ramon Alcaraz Huwebes ng gabi, ilang oras pagkaalis sa Port of Cochin, India pabalik ng Maynila.
Sa opisyal na pahayag, sinabi ng Philippine Navy na nagsimula ang sunog sa main engine room ng barko at naapula matapos ang 10 minuto.
Dalawang personnel ang nagtamo ng second degree burns. Sasailalim sila sa "extensive medical attention" sa naval hospital sa Cochin, India.
Nagsasagawa ng assessment ang mga sakay na engineer ng barko upang malaman kung tutuloy sila sa paglalayag o babalik sa India para sa pagkumpuni ng bahagi ng barko.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, tutulong ang US Navy sa pag-aayos ng barko dahil sa kanila nanggaling ito.
"We will also use existing diplomatic mechanisms and our defense cooperation agreement with India to facilitate and expedite work on the ship so that it can return to the country in the shortest time possible," ani Lorenzana.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.