PANOORIN: Kakaibang mga gimik sa kampanya sa Cordillera

Mae Cornes, ABS-CBN News

Posted at May 09 2019 07:49 PM | Updated as of May 10 2019 12:32 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

BAGUIO CITY—Idinaan sa kakaibang gimik ng mga tagasuporta ng mga kandidato sa Cordillera ang kanilang pangangampanya para sa halalan sa Lunes, Mayo 13.

Hindi sa poster, kundi sa buhok inilagay ni Dagul (di tunay na pangalan) ang apelyido ng kaniyang mga sinusuportahang kandidato.

“Kaya ko pong magpagupit ng kahit ano para sa kanila,” ani Dagul.

Sa pakwan naman iniukit ang pangalan at mukha ng mga kandidato rin sa Benguet.

Mayroon ding nagpa-concert at tayaw, isang katutubong sayaw sa Benguet.

Agaw-pansin din ang 2 establisyemento sa Baguio dahil ang mga kandidato sa pagka-alkalde at congressman, ginawang Avengers.

“The tarpaulins of the different candidates right now are very boring to me, and nobody pays attention to them so I thought if I will change the characters I will draw the attention of the people and I think I succeeded quite well,” sabi ng negosyanteng si Orlando Dela Cuesta.

May ibang characters pa ito na tinatawag niyang “Baguirots” o Baguio Igorots dahil sa suot nilang bahag o G-string.

Sa bayan ng Tinoc, Ifugao, nasa 100 magsasaka ang nagsama-sama para buuin ang pangalan ng kanilang sinusuportahang kandidato.

Binuo rin nila ang pangalan ng kandidato gamit ang gulay.

Kaniya-kaniya ang ginawang gimik sa pangangampay ng mga tagasuporta ng mga kandidato sa Cordillera. Mae Cornes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.