Pasyente sa mental hospital patay sa pamamaril sa Mandaluyong

ABS-CBN News

Posted at May 09 2019 05:57 PM

Napatay ngayong Huwebes ang pasyente ng isang mental hospital sa Mandaluyong City matapos umanong barilin ng kaniyang lolo.

Ayon kay Police Col. Moises Villaceran, hepe ng Mandaluyong police, dumalaw sa 27 anyos na pasyente ang kaniyang lolo at lola nang bigla umanong maglabas ng kalibre .45 na baril ang lolo saka binaril ang pasyente.

Matapos barilin ang apo ay binaril din ng lolo ang kaniyang sarili, ani Villaceran.

Tinamaan din ng bala ang lola at kasalukuyang nasa ospital.

Inaalam pa kung paano naipasok sa pasilidad ang baril, ani Villaceran.

--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.