Barangay kapitan, patay sa pamamaril sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at May 09 2019 10:58 AM

Patay ang kapitan ng barangay sa San Fernando, Masbate matapos barilin Miyerkoles ng tanghali.

Sa report mula sa Police Regional Office 5, kinilala ang biktima na si Aristoteles Tormo ng Barangay Resureccion.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi ang biktima sakay ng motorsiklo sa National Highway nang harangin siya ng suspek at barilin. 

Agad tumakas ang hindi nakilalang suspek nang tumumba ang opisyal.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen na nangyari sa kabila ng umiiral na Comelec gun ban. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.