Lalaking tinawag na bakla, nanaksak ng kainuman

Kate Cunanan, ABS-CBN News

Posted at May 09 2018 10:14 AM

Arestado ang isang lalaki matapos na saksakin at mapatay ang kainumang tumawag sa kaniyang bakla sa bayan ng Sto. Tomas sa Pampanga.

STO. TOMAS, Pampanga – Sa kulungan ang bagsak ng isang 47-anyos na lalaki matapos saksakin ang kainuman na tinawag siyang bakla.

Ayon sa suspek na si Levy Elacion, nagkapikunan umano sila ng biktimang si Ben Martinez habang nag-iinuman. Ilang beses umano siyang tinawag ni Martinez na bakla. 

Dahil sa init ng ulo, pinagsasaksak nito ang biktima sa tiyan gamit ang isang kitchen knife na agad nitong ikinamatay.

Samantala, nasa isang punerarya pa rin sa bayan ng Sto. Tomas ang labi ng biktima habang patuloy ang awtoridad sa paghahanap sa kaanak nito.