1.5 milyong gov't workers, may bonus sa Mayo 15

ABS-CBN News

Posted at May 09 2018 04:46 PM

Makukuha na ng nasa 1.5 milyong government workers sa Mayo 15, Martes, ang kanilang midyear bonus para sa taong 2018.

Katumbas ang bonus ng kanilang buong isang buwang sahod.

Kasama sa tatanggap ng bonus ay ang mga empleyado ng gobyerno na nakapagtrabaho na sa pamahalaan nang apat na buwan pataas.

Pasok din ang mga empleyado na nakakuha ng satisfactory performance rating sa kanilang appraisal period. 

Aabot sa P36.2 bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaan para sa midyear bonus ng mga empleyado, na nakapaloob sa 2018 National Budget.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.