PatrolPH

1 patay, 1 kritikal sa pamamaril sa Makati

ABS-CBN News

Posted at May 09 2018 05:01 AM

MAYNILA - Patay ang isang lalaki habang kritikal naman ang kaniyang kasamahan matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Olympia, Makati City Miyerkoles ng madaling-araw.

Dead on the spot si Ronald Padillo, 47-anyos.

Nagpapagamot naman sa Makati Medical Center si Lawrence Dulon na nasa kritikal na kalagayan.

Ayon sa kaanak ng biktima, natutulog lamang sa jeep si Padillo kasama si Dulon nang pagbabarilin mag-a-ala-1 ng madaling-araw.

Posibleng may kinalaman umano ang pamamaril sa ilegal na droga. 

Inamin ng mga kaanak ni Padillo na gumagamit ang biktima ng ilegal na droga.

Narekober ng mga pulis ang 3 basyo ng baril sa pinangyarihan ng krimen. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.