Binatilyo, patay sa sunog sa Tondo

Dennis Datu, DZMM

Posted at May 09 2017 07:29 PM


MAYNILA – Isang 15-anyos na lalaki ang namatay sa sunog na tumupok rin sa may 30 kabahayan as Isla Puting Bato sa Tondo Martes ng umaga.

Natagpuan sa bahay na pinagsimulan ng apoy ang bangkay ng binatilyo na si Froilan Dela Cruz.

Ayon sa kanyang mga kaibigan, natutulog sa ikalawang palapag si Dela Cruz nang sumiklab ang apoy alas-11 ng umaga.

Nagluluto umano ang kanyang ama nang magkaroon ng tagas sa LPG. 

Rumesponde pa ang isang kapitbahay para patayin ang apoy sa LPG subalit malaki na ito.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa may 30 mga bahay at nakaapekto sa may 70 pamilya. 

Pansamantalang dadalhin sa isang paaralan ang mga nasunugan na residente.

Pasado ala-1 na ng hapon nang maapula ang apoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.