PatrolPH

SAPUL SA CCTV: Sasakyan sumalpok sa establisimyento sa Sorsogon

ABS-CBN News

Posted at May 08 2022 04:02 PM

https://sa.kapamilya.com/absnews/abscbnnews/media/2022/tvpatrol/05/08/sasakyan.jpg

Nasapul sa CCTV ang pagbangga ng isang sasakyan sa isang business establishment sa bayan ng Bulan, Sorsogon nitong Sabado.

Dalawa ang nasugatan sa aksidenteng nangyari sa Zone 4, umaga ng Sabado.

Sa kuha, mapapanood ang isang babaeng nakadilaw na nasa loob ng establisimyento at may kausap na lalaki nang biglang tumilapon ang mga paninda sa likod niya.

Ayon sa ulat ng Bulan police, nawalan ng kontrol sa minamanehong sasakyan ang driver kaya sumalpok ito sa tindahan.

"Hindi kasi kabisado ng driver 'yong sasakyan. Kasi sa anak niya 'yon na sasakyan, siya lang 'yong nag-drive. 'Yong sasakyan kasi na ginamit ay automatic, eh sanay siya sa manual," anang imbestigador na si Ronnel Santos.

Sa kabila ng insidente, nagkaayos na umano ang driver ng sasakyan at ang mga nasaktan nito.

— Ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.