READ: The Bedan's statement on NTC closure order vs ABS-CBN broadcast

ABS-CBN News

Posted at May 08 2020 10:45 PM

Editor's note: We are publishing in full statements issued by various groups and institutions in support of ABS-CBN Corp., which went off the air on May 5, 2020 following a cease and desist order from the National Telecommunications Commission. The company's franchise expired on May 4, while bills for its franchise renewal, some filed since 2016, continued to languish in Congress.

==

PAHAYAG NG THE BEDAN SA PAGSARA SA ABS-CBN 

Ikinagulat ng maraming Pilipino ang biglaang paglabas ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) na tuluyang nagpatigil sa operasyon sa 41 television station, 10 DTT TV Station, at 23 radio station ng ABS-CBN simula ng ika-5 ng Mayo, 2020.

Mariing kinokondena ng THE BEDAN, ang opisyal na pahayagan ng College of Arts and Sciences- San Beda University, ang nasabing hakbang ng NTC.

Labis na magiging pahirap ang pangyayaring ito kasabay ang krisis na kinakaharap ng bansa at ng buong mundo. Imbes na paigtingin at palawakin ang mga platapormang sana’y mag uugnay sa pamahalaan at mamamayan bagkus lalo pa itong sinusubok at ginigipit.

Sa kabilang banda, natatapakan nito ang malayang paghahayag ng mga balita at impormasyon sa loob at labas ng bansa. Ito ay karapatan ng mga mamamayan na malaman ang bawat kaganapan sa bansang kanyang ginagalawan. Masakit isipin na malaking bilang ng mga manggagawa ng ABS-CBN ang nawalan ng hanapbuhay sa kalagitnaan ng pandemyang ito.

Naniniwala ang THE BEDAN na bahagi ng isang demokratikong bansa ang pagkakaroon ng malayang pahayagan. Kaya’t nararapat na bigyan pansin ng mga mamamayan ang patuloy na pag atake sa mga kritiko ng administrasyon. Ating pakinggan ang bawat sigaw ng sambayanan; tayo’y magkaisa, manindigan at maging tagapagtanggol ng ating bayan.

Ang tinig ng bawat isa ay mahalaga.