Sekyu, patay sa pamamaril sa CDO

Cris Angelo Andrade, ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 01:59 PM

CAGAYAN DE ORO CITY - Patay ang isang security guard matapos na barilin ng kaniyang kasamahan sa planta ng softdrinks sa Barangay Agusan, Martes ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dalawa naman sa katawan ang biktimang nakilalang si Christopher Erana.

Hindi muna nagbigay ng pahayag ang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.

Ayon sa kapatid ng suspek, nagsumbong sa kaniya ito na matagal na niyang nakaalitan ang biktima.

Nakatakdang kasuhan ng murder ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.