Provincial bus number coding, suspendido sa Mayo 10, 14

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 12:44 AM

MAYNILA - Pansamantalang sususpendihin ng MMDA ang number coding para sa mga provincial buses sa Biyernes, Mayo 10, at Martes Mayo 14.

Ayon kay MMDA traffic head Bong Nebrija, ito ay para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong pauwi sa mga probinsiya upang bumoto.

Nagsimula nang dumagsa sa Araneta Bus Terminal sa Cubao ang mga pasahero noong Lunes. 

Ayon sa Araneta Center Bus Terminal management, inaasahang dodoble pa ang bilang ng mga pasahero sa weekend bago ang halalan sa Lunes, Mayo 13.

Samantala, una nang sinuspinde ng MMDA ang dry run ng pagbabawal ng provincial buses sa EDSA dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong linggo.

Gayunpaman, mananatili pa rin ang no loading, unloading policy sa EDSA.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.