Municipal administrator sa Leyte, patay sa pamamaril

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 10:57 AM

SAN ISIDRO, Leyte – Patay sa pamamaril ang municipal administrator ng bayang ito, Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Levi Mabini.

Nangyari ang insidente sa compound ng isang gasoline station malapit sa bahay ng alkalde ng nasabing bayan bago mag alas-8 ng umaga.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente para matukoy rin ang motibo sa krimen.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.