Higit 8,000 pulis, sundalo, itatalaga sa Eastern Visayas para sa halalan

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 08 2019 10:28 PM

MAYNILA - Aabot sa 8,710 mga pulis at sundalo ang itatalaga sa Eastern Samar para matiyak ang seguridad sa darating na halalan.

Sa bilang na ito, mahigit 2,500 ang itatalaga sa Leyte, halos 2,000 sa Samar, mahigit 1,000 sa Eastern Samar at 1,500 naman sa Northern Samar.

Itatalaga naman ang iba pang puwersa sa Southern Leyte, Ormoc at Tacloban.

Ayon kay Police Regional Office 8 Regional Director Police Brig. Gen. Ariel Arcinas, bukod sa pag-secure sa mga voting center, titiyakin din ang seguridad ng mga botante at mga kandidato.

Ayon naman kay Brig. Gen. Eliezer Lozanez ng Philippine Army 8th Infantry Division, malaking hamon ang pagpapanatili ng seguridad sa rehiyon dahil sa presensya ng mga rebelde, private armies, at matinding away politika ng mga magkakalabang kandidato. 

Inaasahan din umano ang pagpaparamdam ng mga miyembro ng New People's Army habang papalapit ang eleksyon.